...Paano kung paggising ko, mahal pa rin kita?...
ni Ces Millado at Queng Reyles
at inilathala sa Fading into Sunrise, Fading into Me.
Paano kung paggising ko,
mahal pa rin kita?
Kung ang nilimot na halik
Ay isa-isang magtampisaw
sa manhid ko nang alaala?
Paano kung sa magdamag kong
Paano kung ang sagot
ng madaling araw
ay ang alaalang yakap mong
hindi na akin?
Paano kung ang hatinggabi'y
Kung ang halinghing ng hangin
ay bubulong ng
pangalan mo
di na rin kailanman bibigkasin...
Kung ang kakapain pa ri'y
kung saan muling maririnig
ang iyong tinig...
Kung paggising ko
mahal pa rin kita,
tulog akong magluluksa
sa puso kongnalimutang muli
ang magmahal ng sariling pagkatao.
Ilang beses na akong umayaw.
Paulit ulit na nilasing ang sarili
sa mga usok at ingay,
sa mga salitang sinulat sa
naglalahong guhit ng papel.
Pagkat ang paglaya
sa pagsasama nating
kay tamis - kay pait
Ay pagbitiw sa kadena
ng iyong pagkalinga.
Ilang libong hakbang na ang
nilakad papalayo sa iyo
nagpupumilit na di na lumingon
na di na rin tumingin,
na hindi na makaramdam.
Kung paggising ko,
mahal pa rin kita
Mag-aalay ako ng balde-baldeng luha
(sindami ng iniyak ko sa nagdaang paglaya)
Pagkat gabi pa rin ang gabi
kung ikaw pa rin ang iiibigin
Hindi pa marahil nagbubukangliwayway.
Hihintayin ko ang
tilaok ng manok
Upang magising sa isang mapaglarong
bangungot.
Kung paggising ko'y
mahal pa rin kita,
babalikan ko ang mga panaginip
at papatayin ang alaala.
1 Comments:
well said, a beautiful heartbreak, like a lone ranger riding into the sunset from what was and will never be again.
Post a Comment
<< Home