the ramblings of a wayward romantic...

These are my personal moments, ideas, thoughts and insanities placed for everyone to see. This blog is my own personal forever, frozen in this digital medium for all eternity, or 'til this site exists...

Friday, January 26, 2007

...bagong tula para sa minamahal..

bukangliwayway
(para kay buybuy)


madalas akong humabi
ng tula
para sa kamatayan ng pag-ibig

waring pagtirik ng kandila sa puntod
at pagtuldok sa kwento ng romansa
at nag-aalab na damdamin

luha at tuwa
isinulsing magkasama
ng halakhak at
dusa

waring yarda-yardang
paggunita na ang natapos

nalathala, binasa,
pinuri, at pinalakpakan

ngunit
nang matagpuan ka

sa wakas
ay natuto
rin akong tumula

bilang panimula.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Devine;
Ang cute naman po ng tula nio para sa love nio... ang sweet nio namn...sa wakas po naintindihanmko sya and na-feel... d dahil short and tagalog...maybe bcoz mababaw lang ung mga ginamit niong WORDS>>hahahahahahahaha!!!!!!!!
mis u so much!

2:48 AM, January 27, 2007  

Post a Comment

<< Home