the ramblings of a wayward romantic...

These are my personal moments, ideas, thoughts and insanities placed for everyone to see. This blog is my own personal forever, frozen in this digital medium for all eternity, or 'til this site exists...

Tuesday, May 30, 2006

...sa lilim ng buwan.

paalam na, aking anghel
lumisan na't malayo pa
ang lalakbayin
patungo sa bukas na walang
kasiguruhan
patungo sa kahapong di man lang
pagmasdan

tanglaw ang buwan sa iyong
daan
nagtatanong bakit ka raw lilisan
sa mga bisig na kinahihimlayan
hayaan munang kita'y iduyan

hayaang mong hagkan ko ang mga bituin
wala ka man sa 'king piling
nadarama ang iyong init sa
kanilang ningning
hayaan mong isayaw kita
sa lilim ng buwan
at ihele bago ka lumisan
at sa habang panaho'y buhayin ka
kahit sa alaala lamang.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Your website has a useful information for beginners like me.
»

4:48 AM, July 18, 2006  
Anonymous Anonymous said...

jean:

kuya...sobra ang ganda nun...ako ba yun and para sa akin ba yun???... hehehe....joke lang poh...kahit totoo...hehehe...pero walang halong biro...nakaka touch talaga...sobra....

9:20 PM, December 14, 2006  

Post a Comment

<< Home